Tulala
Oh ako'y tao lang
Nililipad ng imahen
Sa realidad na panandalian
Sa realidad ng imahinasyon
Malayo dito at malayo sa buwan
Sa lugar na walang pangalan
At wala rin pag aalinlangan
Patungo sa kawalan
Ang iyong ngiti
Na di' matatagpuan kahit saan
Ika'y nagbibigay ligaya
Sa mundong umaasa
Oh' ikaw ang tula sa'king tulala

Comments
Post a Comment