Tara, kape?
Biyernes na naman. Kailangan kong gumising nang maaga. Ito kasi ang araw na Naka toka kami na pumasok sa opisina. Skeletal arrangement ang tawag kumbaga. Madalas kasi na work from home ang set up namin at may araw na kailangan naming pumasok para mag report. Halos isang taon narin pala ang nakakalipas nung magbago ang set up natin ng pag pasok, sa trabaho at skwelahan, propesyonal o estudyante. Dati akala lang natin na isang buwan o Linggo lang na suspended. Pero ano na? Isang taon na. Ito na ang bago nating set up. Normal na araw na ganito. Mainit narin. Halos isang taon na rin at bumabalik uli yung daloy na trapiko. Mabagal. Sa loob ng opisina na halos kaunti lang ang tao. Limitado lang ang pwedeng pumasok. Salitan or by schedule kasi. Halos tahimik at solo niyo ang lugar. Magtimpla muna ng kape sa loob ng pantry. Babalik sa upuan at iinumin ng paunti unti habang nagtatrabaho. Matutulala at napatingin sa paligid, na kada sulok ay may alaala ng mga kasama mo dati na nagtatawanan , nag...