Posts

Showing posts from July, 2021

Guhit?

Image
  Madilim at mahanging panahon,wisik ng tubig na dulot ng pag iyak ng langit Mga gawaing nais isantabi sa kabila ng mga bulong na magpahinga Kada pangungusap sa binabasang libro na tila baý mas may saysay   Hanggang ika’y tawagin ng antok patungo sa inaasam na pahinga Mga letrang nabubuo sa isipang gusto mong bigyang buhay gamit ng lumang pluma kada guhit may kahulugang di mo mawari bagkus ay sinusundan mo nalang ang iyong mga kamay Gumuhit ng bagay na di mo maintindihan na matagal nang naglalaro sa iyong isipan Imahenasyong nabubuo habang tulala, bumubulong sa isipang kalmadong nagwawala Larawang nabuo sa iyong isipan, bakit kulang at hindi mo maalam?

Pagod ka na ba?

Image
Mga busina ng mga sasakyang umuugong sa gitna nang abalang kalsada na hindi mahulugang karayom sa dami ng taong nakapila pauwi sa kanilang mga tahanan Mga batang lansangan na kanya kanyang diskarte makakuha lang ng kanilang makakain Mga nakaupo sa gilid na humihingi ng limos sa mga dumaraan, bunga ng kanilang kapansanan Mga estudyanteng pagod galing skwelahan pauwi mula sa kanilang mahabang araw Estudyante ding didiretso sa kanilang trabaho matapos ang oras sa skwela Mag-inang nakahiga sa bangketa habang nakalapag ang kanilang mga paninda Mga hindi magkamayaw na "barker" upang makakuha ng pasahero.  Madilim na kalangitan na tila ba'y didilig sa mausok at maduming lansangan Mga eksenang lagi mong nadadatnan pabalik sa iyong tahanan. Mabilis na karera ngunit mabagal na takbo ng oras Sa haba nang daan, na may iba't-ibang patutunguhan Pabalik sa nag iisa mong pahinga. Huminga