Posts

Today it is? (2020)

Image
Another morning, a five am routine usually  Preparing for breakfast  A smooth aroma of ground coffee that wakes me up a little bit a scrambled egg and bread for perfect pair Checking up my emails for any update usual and typical message from inbox nothing important Radio “on” for morning music and news sometimes TV for additional background audio walking with my dog and watching sunrise people run around for their morning routine Zumba for others with loud music As I go back home  notifications at phone that I might ignore maybe, nothing important Maybe..  “Happy Birthday”  two words that change the mood  typical day, with another Period of my life. Sorry I almost forgot. But yeah, I’m thankful.

Endless

Image
In this place I am alive In this place I am peaceful In this place I am inlove Away from reality I am free Away from crowd I am not alone I pedal forward my bicycle Not knowing where to go Just keep forward  For wherever destination  As I move forward  Slow or fast as I can while listening to my favorite song I have no finish line The road and Me

Pause

Image
  Move slowly and feel the ambiance How to slow down time? From a place where we can be no one Forget everything for a moment  Feel the breeze of wind Look from distant  Forget who you are Just for a moment

I

We are alone,  trapped in this bodies and our own minds,  and whatever company in this life is only  fleeting and superficial

Guhit?

Image
  Madilim at mahanging panahon,wisik ng tubig na dulot ng pag iyak ng langit Mga gawaing nais isantabi sa kabila ng mga bulong na magpahinga Kada pangungusap sa binabasang libro na tila baý mas may saysay   Hanggang ika’y tawagin ng antok patungo sa inaasam na pahinga Mga letrang nabubuo sa isipang gusto mong bigyang buhay gamit ng lumang pluma kada guhit may kahulugang di mo mawari bagkus ay sinusundan mo nalang ang iyong mga kamay Gumuhit ng bagay na di mo maintindihan na matagal nang naglalaro sa iyong isipan Imahenasyong nabubuo habang tulala, bumubulong sa isipang kalmadong nagwawala Larawang nabuo sa iyong isipan, bakit kulang at hindi mo maalam?

Pagod ka na ba?

Image
Mga busina ng mga sasakyang umuugong sa gitna nang abalang kalsada na hindi mahulugang karayom sa dami ng taong nakapila pauwi sa kanilang mga tahanan Mga batang lansangan na kanya kanyang diskarte makakuha lang ng kanilang makakain Mga nakaupo sa gilid na humihingi ng limos sa mga dumaraan, bunga ng kanilang kapansanan Mga estudyanteng pagod galing skwelahan pauwi mula sa kanilang mahabang araw Estudyante ding didiretso sa kanilang trabaho matapos ang oras sa skwela Mag-inang nakahiga sa bangketa habang nakalapag ang kanilang mga paninda Mga hindi magkamayaw na "barker" upang makakuha ng pasahero.  Madilim na kalangitan na tila ba'y didilig sa mausok at maduming lansangan Mga eksenang lagi mong nadadatnan pabalik sa iyong tahanan. Mabilis na karera ngunit mabagal na takbo ng oras Sa haba nang daan, na may iba't-ibang patutunguhan Pabalik sa nag iisa mong pahinga. Huminga 

Huli

Image
May 09,2021 - Mother's day ................. Sa mundong, puno ng katanungan pagmamahal mo’y puno ng katiyakan kahit kaila’y di matutumbasan ang kwento ng pag-ibig mong di matatawaran Ngunit sa huli’y, ika’y naghatid sa’king huling hantungan luha ng kasiyahan at pagluluksa emosyong una’t huli patawarin nyo ako sapagkat ako’y lumisang tuluyan Naubos ang paghinga Isinara ang aking mga mata Nakita ko na ang dulo naramdaman ko ang inyong luha dala ng pag hihinagpis Sa paghatid sa’king huling hantungan Paalam aking ina ……..... Hinagpis ko’y hindi matutumbasan kasalungat nang unang luha ko nang ika’y isilang Una mong iyak at pagdilat nakaukit sa isipan na ngayon ay mananatiling nasa ala-ala na lamang Bigat ay nadarama Nang malaman nang huling isara iyong mga mata Magpahinga ka na Sa mundong walang kasiguraduhan, na ang lungkot at ligaya'y mayroong hangganan huminga ka na, Anak ……..... This is for my lola, malungkot na mother's day sa kanya iton...