Pagod ka na ba?
Mga busina ng mga sasakyang umuugong sa gitna nang abalang kalsada na hindi mahulugang karayom sa dami ng taong nakapila pauwi sa kanilang mga tahanan
Mga batang lansangan na kanya kanyang diskarte makakuha lang ng kanilang makakain
Mga nakaupo sa gilid na humihingi ng limos sa mga dumaraan, bunga ng kanilang kapansanan
Mga estudyanteng pagod galing skwelahan pauwi mula sa kanilang mahabang araw
Estudyante ding didiretso sa kanilang trabaho matapos ang oras sa skwela
Mag-inang nakahiga sa bangketa habang nakalapag ang kanilang mga paninda
Mga hindi magkamayaw na "barker" upang makakuha ng pasahero.
Madilim na kalangitan na tila ba'y didilig sa mausok at maduming lansangan
Mga eksenang lagi mong nadadatnan pabalik sa iyong tahanan.
Mabilis na karera ngunit mabagal na takbo ng oras
Sa haba nang daan, na may iba't-ibang patutunguhan
Pabalik sa nag iisa mong pahinga.
Huminga

Comments
Post a Comment