Huli

May 09,2021 - Mother's day

.................

Sa mundong, puno ng katanungan
pagmamahal mo’y puno ng katiyakan
kahit kaila’y di matutumbasan
ang kwento ng pag-ibig mong di matatawaran

Ngunit sa huli’y, ika’y naghatid
sa’king huling hantungan
luha ng kasiyahan at pagluluksa
emosyong una’t huli

patawarin nyo ako
sapagkat ako’y lumisang tuluyan
Naubos ang paghinga
Isinara ang aking mga mata

Nakita ko na ang dulo
naramdaman ko ang inyong
luha dala ng pag hihinagpis
Sa paghatid sa’king huling hantungan

Paalam aking ina

…….....

Hinagpis ko’y
hindi matutumbasan
kasalungat nang unang luha ko
nang ika’y isilang

Una mong iyak at pagdilat
nakaukit sa isipan
na ngayon ay mananatiling
nasa ala-ala na lamang

Bigat ay nadarama
Nang malaman
nang huling isara
iyong mga mata

Magpahinga ka na
Sa mundong walang kasiguraduhan,
na ang lungkot at ligaya'y
mayroong hangganan

huminga ka na, Anak

…….....


This is for my lola, malungkot na mother's day sa kanya itong araw na ito. 
andito lang kami lagi sa tabi nyo nay.  Fighting~

Comments