Guhit?


 
Madilim at mahanging panahon,wisik ng tubig na dulot ng pag iyak ng langit
Mga gawaing nais isantabi sa kabila ng mga bulong na magpahinga
Kada pangungusap sa binabasang libro na tila baý mas may saysay 
Hanggang ika’y tawagin ng antok patungo sa inaasam na pahinga

Mga letrang nabubuo sa isipang gusto mong bigyang buhay gamit ng lumang pluma
kada guhit may kahulugang di mo mawari bagkus ay sinusundan mo nalang ang iyong mga kamay
Gumuhit ng bagay na di mo maintindihan na matagal nang naglalaro sa iyong isipan
Imahenasyong nabubuo habang tulala, bumubulong sa isipang kalmadong nagwawala

Larawang nabuo sa iyong isipan, bakit kulang at hindi mo maalam?


Comments