Tara, kape?


Biyernes na naman. Kailangan kong gumising nang maaga. Ito kasi ang araw na Naka toka kami na pumasok sa opisina. Skeletal arrangement ang tawag kumbaga. Madalas kasi na work from home ang set up namin at may araw na kailangan naming pumasok para mag report. Halos isang taon narin pala ang nakakalipas nung magbago ang set up natin ng pag pasok, sa trabaho at skwelahan, propesyonal o estudyante. Dati akala lang natin na isang buwan o Linggo lang na suspended. Pero ano na? Isang taon na. Ito na ang bago nating set up.


Normal na araw na ganito. Mainit narin. Halos isang taon na rin at bumabalik uli yung daloy na trapiko. Mabagal. Sa loob ng opisina na halos kaunti lang ang tao. Limitado lang ang pwedeng pumasok. Salitan or by schedule kasi. Halos tahimik at solo niyo ang lugar. Magtimpla muna ng kape sa loob ng pantry. Babalik sa upuan at iinumin ng paunti unti habang nagtatrabaho. Matutulala at napatingin sa paligid, na kada sulok ay may alaala ng mga kasama mo dati na nagtatawanan , nag kuwentuhan nang kung ano ano. Sabay na bumababa at bumibili sa labas ng umagahan. Nag aayayaan sa pantry para mag painit ng pagkain at magkape. Mga kasama mo na nag aantay sa loob para sa service nila kasi mayroon silang trabaho sa labas. Kanya kanyang ginagawa at nag tuturuan ng gagawin. Yung iba pa nga ay kung walang ginagawa ay nakayuko o patagong nag lalaro sa cellphone, nag bobrowse ng kung ano ano sa Facebook. At ano pang pwedeng gawin na hindi mahuhuli mairaos lang hanggang uwian. Tuwing lunch na hinihintay si "mamser" na nag titinda ng pagkain tuwing lunch at miryenda. Tinawag siyang "mamser" kasi kapag siya nag aalok ng paninda nya ay tinatawag nya at binibigkas ang salitang "ma'am" at "sir". At hanggang ngayon ay hindi pa namin alam ang pangalan niya. 


At kapag uwian na. Tapos na ang office hours. Mag aaya na at kanya kanyang gala o diretso uwi na nag magkakabarkada, o madalas ay kanya kanyang uwi na. Ikaw ba naman walang ginagawa maghapon kaya buryong buryo na at uwi na. Mga magkakaibigan na nag kakayayaan na kumain sa labas. Magpasama kasi May bibilhin sa labas. Sama samang mag miryenda muna kasi nagpapalipas nang oras sa dami ba naman ng tao na nakapila at nag aantay ng bus makasakay lang pauwi. Eto yung tinatawag nila na may digmaan. Siksikan kasi at nag tutulakan minsan makasakay lang upang makauwi na. O kaya mga magkakaibigan na nag lalakad nalang ng malayo papunta sa sakayan na konti nalang ang tao. Sa dadaanan nila na maraming kainan na mura. Street food kumbaga. Kwek kwek, penoy , fishball , palamig o anuman pagkain na makikita sa daan. Tawag nga nila hepa lane. 


Uwian na pala. Sa harap ng kompyuter kong maghapon na nakabukas at malamig na kape. 

SHET!! Yung kape ko !!


Comments