Sumayaw ka nalang!

 

Pahina uno nanaman out of infinite number of days kang buhay. (ENERO UNO DOS MIL VEINTIUNO)

Isa nanamang taon lumipas, imagine isang taon na pala yon? Naka ikot na ang planeta natin ng isang buong orbit nya sa araw. 366 Earth days, yes 366 days, leap year last year tropa. May February 29 nagaganap lang yon kapag divisible by 4 yung year hindi kada apat na tao ha. Naalala ko board exam ko dati hindi ko ininclude yung leap year!

Nakaupo nanaman ako dito habang nagbabasa ng huling libro na binili ko last year, siguro mga pang anim na libro na natapos kong basahin ngayon taon. Sa dami ng ginagawa at nadagdag na gawain sa trabaho nagawa ko pang isingit yung pag babasa. Bakit hindi? 

First month of the year malamig sarap talagang tumambay dito kaharap mga halaman, nagbabasa at nakikinig narin ng Korean song na di ko maintindihan yung lyrics pero pinakakinggan ko parin kasi maganda yung tono. Correction di ako fan ng “K pop” random shuffle lang sa Radio ng Spotify kasi wala kong magawa. Sorry Defensive pero hindi talaga (pakinggan mo “Stand by me” OST ng boys over flower) nahawa lang talaga ako at bumabalik yung memory nung pinanood ko nung HS ako tas ginagaya ko pa yung buhok ng mga yon, na kinabukasan pag napansing mahaba sa school ay uukaan ng Guidance Counselor namin kasi bawal daw mahaba yung buhok sa School.  

Napansin mo ba?

last 12am, midnight ang tahimik ng lugar nakatungaga ka lang habang nanonood sa kapitbahay mo na nag sisindi ng paputok at nag sasayawan. Na dati ay ikaw yung nagsisindi at nakikipag sigawan pa nga ng bagong taon. Tumatalon para tumangkad, nag sosoot ng damit na may “polkadots” tas kulay red kasi swerte daw. Tas mag reregister ka ng promo sa phone mo kasi kailangan mo mag “GM” ng “Happy New Year” sa mga kakilala mo kahit hindi mo ka close ay sesendan mo ng message. Or mga pasimpleng galawan kay crush na kunyari GM pero sa kanya mo lang sinesend. Or kung may jowa, bestie, close friend ka man, message of appreciation na ang ending ay thankful ka sakanya this year, basta. (sorry di ako makarelate) Or late night talk sa special someone (uy di ulit ako makarelate kasi busog ako habang umiinom ng red wine ng midnight at nanonood ng mga nagpapaputok at nag ririot dito sa tapat na mga lasing na di na umabot ng sa new year yung away, kaya ayon sa police station nag new year). Ang saya no? hindi nung pinanood ko na away ah, yung dati na ginagawa natin tuwing new year, na simple lang ngunit masaya, yung dati na sa larawan nalang natin makikita sa lumang album, na nakatago sa ilalim ng aparador. Na kapag tiningnan mo, masasabi mo na “ uy ang payat ko papala dati” tas may hawak kang pailaw habang nakangiti sa larawan na doon na nalang nakatatak. Mga larawang kupas na, mga mahal sa buhay na sa maliit na parisukat na papel na nakaimprinta nalang makikita. Mga ngiting sa alaala mo nalang matatandaan (uy iiyak na yan). Ang lalim noh? Picture lang ibig sabihin ko. Napansin mo ba?


Ano na ba ngayon?

Ano bang meron ngayon? Actually di ko rin alam, or alam ko na di ko alam. Bahala ka ng magdesisyon. Kung kilala mo ko. Di mo talaga ko mapapansin na magiliw sa piligid ko. Hindi ko talaga trip yung “Socialize” na tawag. Tipong kahit manood ng movie at kumain sa Resto mag-isa or kahit wala kong kausap buong araw mag susurvive ako eh. Minsan may maximum (max of 5 pwede na yon) of person lang dapat kausap ko or else pagod talaga ko. Ang haba ng sinabi ko tungkol sa sarili ko no? Anyways may connect ba to sa sasabihin ko? Gaya ng sinabi ko “ano na ba ngayon?” since hindi ako mahilig makipag intereact siguro advantage ko narin yung observation ko. Siguro? 
Sa nagdaang taon lalo na last year! Talagang naging talamak yung “online nalang” even sa selling at nauso yung work from home setup. Advantage sakin, aware naman tayo sa MMF (Metro Manila film festival), kada taon trip ko talaga manood nyan sa sinehan support narin sa local film natin. Pero last year online streaming nalang kanya kanyang bahay nalang tas bayad via Gcash or kung ano mang mode of payment na di naiinclude yung face to face setup. At ngayon nakapanood ako ng movie sa bahay habang nakatalukbot sa kumot at nakaheadset at di na ako gumastos para sa popcorn at drinks. Oo tama iniisip mo, ako ulit mag isa saka ko na sinabi sa mga kasama ko sa bahay na pwede nilang panoorin yung movie (pinanood ko muna hehe!)
Uso pa ba yung Group message via SMS? Di ko alam, siguro sa iba? Mainstream ngayon sa social media. Mag geGreet ka lang or mag post sa wall mo, message ng GIF sa Group chat nyo sa messenger ng “Happy New Year” with matching animation pa. Video Call sa mga malalayo mong kamag anak or kaibigan abroad, or kapitbahay mo lang ka video chat mo, ansaya no? napapaliit natin ang mundo. One Click nalang makakausap mo na sila. Yan ang isa sa magandang epekto or advantage, instant nalang yung communication natin sa kanila. Though nakakamiss parin kung kasama at kaharap mo parin sila habang nag seCelebrate. Still meron kayong Communication and “in touch” parin kayo. Sa lahat ng sinabi ko syempre di ko mapagkakaila ng nakakamiss yung dati kahit may alternative ways tayo sa communication, talagang solid parin yung nakakausap at nakakamusta natin yung mga kaibigan natin. Kasamang nagkukwentuhan nang kung ano ano sa paligid. Nag kakamustahan at nagtatawanan. At yung manonood ka ng movie na malamig tas wala kang jacket na kasama mo lang yung popcorn at yung overprice na inumin at mga tawanan at iyakan sa loob ng sinehan. Mga ingay sa paligid mo ng mga magbabarkada habang kumakain ka ng ramen don taas nung mall kasi wala kang kasama. Yung pipila ka sa sakayan habang nagbabasa ng Manga or E book sa phone pampalipas ng oras kasi mas matagal pa yung pila kesa sa byahe, yung ingay sa office mo na kala mo computer shop sa sikip pero masaya kahit maingay. Sana maging okay na at bumalik na yung dati. Ano ba ngayon? 

Ikaw ano ang inaasahan mo ngayon? Kamusta ka na? kaya mo yan! Ano man yan. Fighting!
Osya ako’y tatayo na dito at mag titimpla ng kape kasi proud akong sa 25 years kong nag sstay dito sa mundo, ngayon lang ako natutong magtimpla ng kape. At tamang singhot lang ng amoy neto pampagsing kasi tutunganga pa ko at magbabasa ng libro habang nadagdagdagan yung timbang ko kakakain dito. 

Paalam. Nga pala Happy New Year!

Comments