Diskonekta

 



Tayo'y maglakad sa malayo

Nakatingala sa alapaap 

Sumusunod na anino 

Na tila ba'y may buhay


Malayo sa kabihasnan

Malapit sa tunay na buhay

Malayo sa sakit

Malapit sa ligaya


Realidad ng lipunan

Payapang pag-iisip

Maluwag na paghinga

Walang pag aalala 

Comments